NABABALIW NA AKO!!

Gusto kong mag-usap tayo

Di pa ako ready. Next time nalang.

Bakit di ready? Please lang, isettle na natin to, para maka-move on ako. Nababaliw na ako eh. Dami kong iniisip. Mga sagot sa mga tanong na pumapasok sa isip ko. Kung bakit nangyari ang alin.. Kung paano nangyari ang ano.. Kung kailan nga ba nagsimula na nanlamig ka at unti unting nakalimutan na mahal mo nga pala ako.. na minahal mo pala ako..

Wag muna please.

Anong wag muna? Maawa ka naman sakin. Nababaliw na ako. Di ko na alam gagawin. Di ako makafocus sa mga ginagawa ko. Kanina nga di ako nakasagot sa exam namin eh. Tapos during lecture, wala na ako naiintindihan. Iniisip ko kasi yung mga gusto kong itanong. Yung mga posibleng sagot mo sa mga tanong ko. Di ako makausad sa buhay, kaya please, magkita naman tayo. Farewell na rin. Masettle na natin lahat. Closure.

Wag muna.

Bakit ba? Nagmamakaawa na ako dito. Hirap na hirap na ako. Di ko na kaya. Sumagot ka naman agad please. Magreply ka. Kasi talagang nababaliw na ako.

Sorry busy lang talaga.

Advertisements

Little by little. Step by step.

Unti unti ko nang nakikitang muli ang matitingkad na kulay ng mga rosas na noo’y nagsipusyawan.
Unti unti ko nang nalalasahan muli ang tamis ng pumait na timpla ng kape ko.
Unti unti na rin akong napapangiti sa mga bira ng pagpapatawa ng iilan kong mga kaibigan.
Unti unti ko na ring nadarama ang dampi ng hangin sa aking balat na kahapon ay manhid pa.
Unti unti na akong nakakahinga.

Masarap mabuhay dati, kasi naroon ka.
Masarap mabuhay ngayon kasi wala na ang sakit na dinulot mo.
Masarap sa pakiramdam noong nagmamahalan tayo.
Pero, masarap din sa pakiramdam na limutin ang mga alaalang iyon.
Masarap ang hapunan noong kasabay kita.
Pero, masarap na ang kain ko, ngayong di ko na naaalala na noon ay kasabay pala kita.
Masarap ang tulog ko, noong tinatabihan mo ako,
Pero, masarap din pala na malaman na hindi ko na hinahanap ang mga braso mo.

Masarap mabuhay.
At ngayon, sabay ng pag-ikot ng mundo ay tumatakbo ako.
Hindi na para habulin ka.
Pero para maabutan ko ang mga panahong sinayang ko sayo
Na sana ay ginugol ko sa pagpapabuti sa sarili ko

Last Chat para sa kanya

So, I guess you made your choice. Sumugal ako, kaso natalo. hehe.

kaya pala, di ka na nagreply.
kaya pala, malamig ka na magchat nung huli kaya pala,
kahit umiiyak na ako nung tumawag ako sa iyo, di ka na nagsalita
kaya pala tingin ako ng tingin sa pinto pero walang pumapasok o kumakatok
kaya pala nung nagtulug-tulugan ako ng mga 2 oras, walang gumising sa akin ng yakap

hay..
nakita ko na iyon, na malamang ayaw mo na.
sa dami ba naman ng mga masasakit at malulutong na mura ang tinext ko sayo

pero di kasi ako nagduda, kasi sabi mo mahal mo ako.
Na ako ang mahal mo
Na wag kong pagdudahan ang pagmamahal mo sa akin
Kaya sumugal ako.
Kaso talo.

Sabi ko, kung gusto mong ituloy pa ito, pumunta ka dito.
Kung ayaw mo na, wag ka nang tumuloy.

Talo ako sa sugal,
kasi di ka pumunta. Di ka nagpakita.

Nagmukha pa akong tanga.

So, i guess i should apologize.

Sorry. Kasi andami kong mga sinabi.
Pero maniwala ka,
dahil lang sa galit yun.
dahil sa selos.
dahil hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong ipakita sa akin
yung pag uusap niyo.
Sorry.
Sorry.

Masakit.
Oo, masakit.
Sa sobrang sakit, feeling ko ansarap umiyak.
Kaya pala umiiyak ang tao, para kahit papaano, guminhawa yung sumisikip na dibdib.

Sabi nga nila, luha ang pinakamainam na panglanggas sa pusong sugatan.

Umiiyak ako sa dalawang dahilan.
Una, dahil nagmahal ka ng iba.
dahil nagawa mong ipagpalit ako
dahil naging sweet kayo
dahil mas pinili mong makipag usap sa kanya kesa sa akin.

At pangalawa, dahil ngayon pinili mong itigil na to
dahil mas pinili mong masaktan ako.
dahil alam ko na nasaktan din kita kaya ayaw mo na
dahil di ka sumugal.
dahil nagkamali ako ng akala.
dahil akala ko, mananalo.

pero talo

bye.

Hinahanap-hanap kita…Sa Umaga’t Sa Gabi at Bawat Minutong Lumilipas

Ilang araw na rin ang nakakalipas
Bagamat, nagagawa kong aliwin ang sarili
O, makipagkita sa kung sinu sino
Di ko maikakaila na hinahanap ka ng puso ko

1. Hinahanap ko yung pagpapaload mo sa akin

2. Hinahanap ko yung panlilibre mo sa akin

3. Hinahanap ko yung pagsama mo sa akin kapag nalulungkot ako.

4. Hinahanap ko yung pagsadya mo sa tirahan ko, makasabay mo lang ako kumain.

5. Hinahanap ko yung pagkumusta mo sa text.

6. Hinahanap ko yung palitan natin ng mga larawan sa chat.

7. Hinahanap ko yung malalambing nating pag-uusap.

8. Hinahanap ko yung pagtulog mo sa tabi ko kahit malakas ako humilik.

9. Hinahanap ko yung pagtanggap mo noon sa mga kapintasan ko.

10. Hinahanap ko yung pagpapasensya mo kahit ansama kong tao.

11. Hinahanap ko yung paghingi mo ng tawad kapag nagkamali ka.

12. Hinahanap ko yung pananatili mo habang lumalayo ako.

13. Hinahanap ko yung pagtanggap mong muli sa akin, nung sinuyo kita, dahil nawalan ka ng gana.

14. Hinahanap ko yung pagkanta mo ng I’d Rather Have Bad Times With You

15, Hinahanap ko yung pagme-make face mo kapag nagpapatawa ka.

16. Hinahanap ko yung panonood natin ng sine kahit wala ka nang pera.

17. Hinahanap ko yung pagsama mo sa akin nung mga panahaong kailangan na kailangan kita.

18. Hinahanap ko yung mga panahon na naroon ka sa tabi ko habang ang buong mundo ay tinalikuran na ako.

19. Hinahanap ko yung mga pagkakataon na naiinis ka na dahil makulit ako, pero sa huli, sinasabi mo parin na mahal na mahal mo ako

20. Hinahanap ko yung mga panahon na naka taxi tayo at nakakahiga ako sa hita mo kahit alam natin na maraming tao.

21. Hinahanap ko yung pagtatago mo ng paghahawakan natin ng kamay dahil ayaw mong husgahan nila tayo.

22. Hinahanap ko ang tawa mo.

23. Hinahanap ko ang iyak ng pagmamahal mo sa akin.

24. Hinahanap ko ang boses mo.

25. Hinahanap ko ang amoy mo.

26. Hinahanap ko ang pagpapasensya mo sa akin sa pag amoy ko sa kili kili mo.

27. Hinahanap ko ang paglalakad natin sa Intramuros.

28. Hinahanap ko ang pamamasyal natin sa Circle.

29. Hinahanap ko ang pagpunta natin sa batasan.

30. Hinahanap ko ang pagkain natin sa food court ng Mega Mall.

31. Hinahanap ko yung pagtitipid mo noon, kaya nagkakarinderya tayo.

32. Hinahanap ko yung paghahabol ko sa iyo dahil tampururot ka.

33. Hinahanap ko yung panunuod natin ng movie sa laptop ko.

34. Hinahanap ko yung mga pagbyahe natin.

35. Hinahanap ko ang pagudpod.

36. Hinahanap ko ang batanggas.

37. Hinahanap ko ang quezon.

38. Hinahanap ko ang daet.

39. Hinahanap ko ang mga damit kong lumuwag na dahil sa pagsuot mo.

40. Hinahanap ko ang amoy mo sa mga pinahiram mo sa aking mga damit.

41. Hinahanap ko ang yakap mo.

42. Hinahanap ng mga braso ko na mayakap ka.

43.  Hinahanap ng mga labi kong mahalikan ka. Halik sa batok mo, habang nakayapos ako sa’yo, habang ika’y mabilis nang nakatulog.

44. Hinahanap kong mahalikan ang kamay mo sa tuwing ipapasok mo ang iyong mga daliri sa pagitan ng mga daliri ko.

45. Hinahanap kong mahalikan ka sa tenga habang nilalasap natin ang sarap ng ating pagmamahalan

46. Hinahanap kong mahalikan ka sa leeg, habanag nakahiga ako sa napakalambot mong katawan

47. sa noo mo habang ikaw ay umiiyak at humihingi ng patawad

48. sa labi mo habang sinasabi ng puso ko, mahal kita, O giliw ko.

49. Hinahanap ko ang pagsasabi mo na gagawin mo ang lahat makasama mo lang ako.

50. Hinahanap ko ang pagmamahal mo.

Malilimutan Din Kita, At Ako Naman Ang Maaalala Mo! At Kapag Nangyari Yun, Who You Ka Sakin!

Pinipilit ang sarili na makalimot
Ngunit mga alaala, di sadyang nakakalikot
Itinutuon sa iba ang isip na malikot
Musika, Pagsulat at Pagbasa

Sadyang ganoon nga kapait
Pusong sugatan, sa mga salita mo’y sinapit
Tadhana nga naman ay kay lupit
Nang ikaw ay sa akin ipinabatid

‘Wala na akong pake’, sabi ng isip ko
‘Pero ang puso, sadyang nalilito
Ituon nalang sa ibang mga bagay
Kaibigan, Pag-aaral, Panginoon

Confession

Confession means

confession

-Acknowledgement

I acknowledge that you have already left me, that we are not together anymore, that you chose to hurt me.

-Disclosure of Sin

I confess before God and man, that you are my sin. And that I am now forsaking you, that I repent from everything about me that has something to do with you.

-Confession of Faith

And now, I am returning to my Lord and Creator, my savior, the lover of my soul and true Bestfriend. I acknowledge that nothing but the blood of Jesus can wash my sin away and can make me whole again. Come to me, Lord. I am honestly and diligently seeking you. I want to see your face. I want to know your ways. Come to me, Oh Lord. I want you, more than this world. Oh, precious is the flow of the blood that makes me white as snow. There is no place better than here in the presence of God.

Afrayam

ito and simula ng isang wakas.

May pasimula sapagkat mayroong wakas. At may mga wakas sapagkat may mga simula.

Pagkatapos ng simula ay may wakas. Ngunit sa bawat wakas ay may bagong simula.

Simula. Wakas. Simula. Wakas. Simula. Wakas. Simula.

Pagkatapos ng mga simula ay mga wakas. Pagkatapos ng mga wakas ay mga simula.

Ang pagsisimula ko ay ang pagwawakas ko. Ang pagwawakas ko ay sa pagsisimula ko.

Nagsisimula ako dahil winakasan mo. Winakasan mo kung kaya naman magsisimula ako.

Winakasan mo ang mga sinimulan mo. Ang sinimulan mo, ay ipinagpatuloy ko… ipinagpatuloy natin…

Pero di naglaon ay winakasan mo.

Tuluyan mong winakasan.

Ang sinumulan mo ang naging dahilan kung bakit ako nagsimula.

Ngunit nagwakas ka. Isang wakas na puno ng pagtangis.

Sa mga mata ng buwan at araw ay mga luha, dahil nagwakas ka.

Sa mga ilaw sa gabi ng Intramuros ay kalungkutan, dahil nagwakas ka.

Sa mga palabas sa sine ay walang hangang kawalan, dahil nagwakas ka.

Sa mga pangarap natin na naglahong parang bula, dahil nagwakas ka.

At sa mga bagay na ito, ako’y magsisimula dahil nagwakas ka.

nagwakas ka ng hindi ko alam kung bakit?

O paano?

Basta winakasan mo.

Winakasan mo. Winasak mo. Oo, winasak mo.

Pero sa pagwakas mo, ay magsisimula ako.

Magsisimula ako nang hindi ko alam kung bakit?

O paano?

Basta magsisimula ako.

At sisimulan ko ito sa pagsasabi ng mga katagang,

“paalam, AFRAYAM”